Magkakaroon ng bagong pasilidad na nagkakahalaga ng PHP300 milyon sa Bicol Regional Hospital and Medical Center sa Daraga, Albay, na maglalayong mapabuti ang medical access para sa mga kababaihan at bata.
Nagbigay ang CHED ng pinansyal na tulong sa 239 estudyante mula Albay sa ilalim ng SMART program upang matulungan silang makabangon at magpatuloy sa kanilang pag-aaral.
DENR-5 sa Bicol, patuloy na nagtatanim para sa kinabukasan ng ating mga kagubatan! Saludo kami sa pagtataguyod ninyo ng Enhanced National Greening Program.
Nakamit ng Department of Agriculture sa Bicol (DA-5) ang tagumpay sa pamamahagi ng PHP17.3 milyon halaga ng tulong pang-agrikultura sa mga kooperatiba at asosasyon ng magsasaka sa Camarines Sur sa ilalim ng High-Value Crops Development Program (HVCDP).
Makakalahok at makikinabang ang mahigit sa 2,000 batang Bicolano sa 21-buwang proyektong Child-Led Academy Project (CLAP) ng Fundación Educación y Cooperación (Educo) Philippines at ChildFund Philippines Foundation Inc.
Tinanggap ng 862 residente mula sa limang bayan sa Catanduanes ang PHP6.8 milyong ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kanilang mga sahod, bilang suporta sa Project LAWA at BINHI para sa mas mabuting access sa tubig at pagkakaroon ng sapat na ani.