Inaasahan na ang dalawang lalawigan at isang lungsod sa Mindanao ay makikinabang mula sa bagong renewable energy projects mula sa isang French energy firm. Magdadala ito ng matatag na suplay ng kuryente sa pamamagitan ng green hydrogen at HyPower.
Patuloy ang pagbibigay-tulong ng Presidential Assistance for Farmers, Fisherfolk, and Families program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Agusan del Norte. Sa tatlong araw na payout, umabot sa 2,826 ang mga benepisyaryo na magsasaka at mangingisda.
Itataguyod ng pamahalaang lungsod ng Cagayan De Oro ang kanilang pagmamahal sa kalikasan sa pamamagitan ng pagbili ng mga kagamitan na nagkakahalaga ng PHP17 milyon para sa pagsusuri ng kalidad ng hangin.