Sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., inilunsad nitong Miyerkules ang Integrated Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation Project - Stage 1 sa Pampanga na nagkakahalaga ng PHP7.57 bilyon.
Pinangunahan ng DOH ang groundbreaking para sa Clark Multi-Specialty Medical Center, isa sa mga prayoridad na proyekto ng administrasyong Marcos alinsunod sa Regional Specialty Centers Law.
Ipinagkaloob ang Presidential Recognition sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at Provincial Cooperative and Enterprise Development Office bilang Outstanding Development Partner para sa Northern Luzon sa kategoryang Improving Business Climate, alinsunod sa kanilang epektibong programa para sa pagpapaunlad, partikular sa mga micro, small, at medium enterprises (MSMEs).